Kwentong Politika

Alice Guo Itinanggi ang Paratang ni Senator Win. Kung Sino ang Nag-aakusa Siya Ang Magpatunay.

June 19, 2024

Bamban, Tarlac – Tumugon si Mayor Alice Guo sa mga alegasyon ni Senador Win Gatchalian tungkol sa kanyang citizenship. Walang alam o kinalaman si Mayor Guo sa mga dokumentong ipinakita ni Senador Gatchalian na diumano ay galing sa Board of Investments at Bureau of Immigration.

Ayon kay Mayor Guo, ang kanyang tunay na ina ay si Amelia Leal at ang kanyang totoong pangalan ay Alice Leal Guo na nakasaad sa kanyang birth certificate at hindi Guo Hua Ping na ibinibintang ni Senator Gatchalian. Mayroon siyang Philippine passport na in-issue ng DFA upang patunayan na siya ay isang Pilipino. Mayroon siyang mga negosyo, personal properties, at lupa sa Pilipinas, at siya ay nagbabayad ng buwis dito.

Nanalo si Mayor Guo bilang Mayor ng Bamban, Tarlac, dahil siya ay isang lehitimong residente at walang dudang Pilipino. Dagdag pa niya, kung siya ay Chinese citizen, bakit pa niya kailangang kumuha ng Chinese visa tuwing bibisita siya sa China? Mahalagang tandaan na hindi kinikilala ng China ang dual citizenship.

Binigyang-diin din ni Mayor Guo na bagamat walang direktang probisyon sa batas na nagsasaad na ang isang tao ay awtomatikong mamamayan ng bansang kanyang tinitirhan, may mga mekanismo upang maiwasan ang statelessness. Ang Constitution ng Pilipinas at mga batas nito ay nagbibigay-diin sa pagkakaroon ng nationality base sa jus sanguinis at iba pang mga probisyon para sa pagkilala sa pagka-Pilipino. Naniniwala siya na mananaig ang hustisya at ang paninindigan ng kanyang pagka-Pilipino. Welcome sa kanya ang proceedings sa proper forum na nag challenge ng kanyang citizenship at handa siyang harapin ito.

Ipinapaabot ni Mayor Guo ang kanyang pasasalamat sa suporta ng kanyang mga nasasakupan at pinagtitibay ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa Bamban nang may integridad at pagsusumikap.

For Inquiries: please contact Atty Nicole Jamila 0921 5187645