Kwentong Politika

Bamban Mayor Alice Guo nagsumite ng personal na liham sa Senate Committee.

June 5, 2024

Boluntaryong nagsumite ng kanyang personal letter si Mayor Alice Guo sa Senate Committee Secretariat upang linawin ang ilang isyu na iniuugnay sa kanyang pamumuno bilang alkalde ng Bamban ,Tarlac at maging sa kanyang personal na buhay.

Ang liham ni Guo ay dinala ng kanyang abogado na si Atty. Nicole Jamila sa Senado sa layuning isa isa na sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

“Mayor Guo, who has been embroiled in a series of allegations since the beginning of her term, expressed her desire for her side to be heard and for the truth to be revealed. Despite previous hearings, she believes that there is more to her story that needs to be shared with the public and the Honorable members of the Senate Committee” paliwanag ni Atty Jamila.

Ayon kay Atty Jamila ilan sa nakasaad sa liham ay ang pagkakaugnay ni Mayor Guo sa BAOFU project, sa HongSheng at ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa ilang mga dokumento at maging ang isyu sa espionage at money laundering.

Sa nasabing liham ay hindi itinatanggi ni Mayor Guo ang pagkakaugnay sa BAOFU kung saan nag invest ito ng 7 hektaryang lupa subalit bago pa man magsimula ang pagtatayo ng mga gusali ay binenta na nito ang kanyang shares para magamit sa ibang negosyo.

Patungkol sa kaugnayan sa HongSheng ay tumulong lamang.si Mayor Guo bilang lessor ng BAOFU at naging interpreter.

Ang pangalan nya ay lumalabas sa TARELCO Document dahil sya ang nag apply ng power supply noong ito ay incorporator pa ng BAOFU.

Patungkol sa business permit na inisyu ng Bamban LGU sa Zuan Yuan noong 2023 ay bunsod umano ng pagkakatalima din ng kumpanya sa mga requirements at ito ay isa lamang Provisional License o pansamantala.
Tungkol sa birth certificate na late registered ay dahil hindi kasal ang kanyang mga magulang na sina Jian Zhing Guo at Amelia Leal na isang Pilipino, aniya, malinaw na sya ay isang Filipino at mayroong syang pasaporte.

“May mga nagsasabing si Lin Wen Yi ang tunay kong ina. Siya ay kasama sa mga kumpanya ng aming pamilya, ngunit si Amelia Leal ang aking ina sa lahat ng dokumento. Hindi totoo ang paratang na si Amelia Leal ay isang non-existing person. Si Lin Wen Yi ay kinakasama at isang business partner ng aking ama. Hindi siya ang aking Ina” giit ni Mayor Guo sa kanyang liham.

Nanindigan pa ang alkalde na hindi sya protektor ng Pogo at wala itong kinalaman sa murder, prostitution, human trafficking, love scam, money laundering at iba pang cyber crimes at lalong hindi ito nagnakaw.

“Pilipino po ako! Inihalal din katulad po ninyo. May dangal at pagkatao! ” giit pa ni Guo sa kanyang liham

Sinabi ni Atty Jamila na nakapaloob din sa liham ni Mayor Guo ang ilan sa personal matters kasama na dito ang kanyang family background, childhood experiences at business activities ng kanyang ama.

Umapela din umano si Mayor Guo sa mga senador at sa publiko na tignan at pakinggan din ang bersyon ng kanyang panig at huwag agad syang akusahan.

“Mayor Guo appealed to the Senators and the public to listen to her side of the story before passing judgment. She reiterated her innocence regarding the accusations thrown against her and emphasized her dedication to upholding the dignity and honor of her position as a public servant” ani Atty Jamila.

Iginiit ni Atty Jamila na ang paglapit ni Mayor Guo sa Senado ay pagpapatunay ng kanyang hangarin para sa transparency at accountability.

“It is a bold step towards ensuring that her voice is heard and that justice prevails in the face of adversity” pagtatapos pa ni Atty Jamila.