Sa pinakabagong mayoral survey ng Social Weather Stations (SWS), nangunguna si incumbent Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na may 28% na suporta mula sa mga botante. Ang survey ay isinagawa mula Oktubre 20 hanggang 24, 2024 at pinondohan ni Salvador Policarpio. Sa 1,000 na sumagot sa survey, 570 ang nagsabing iboboto nila si Malapitan sa darating na midterm elections sa 2025.
Si dating Senador Antonio Trillanes IV ang pumapangalawa, na may 15% ng mga sumagot (109 na tao) ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa kanya. Ang iba pang kandidato ay mas mababa ang porsyento ng boto: si Danny Villanueva (0.4%), si Bong Gabijan ng tribong Dumagat (0.3%), Ronnie Malunes (0.2%), Jun Anquilan (0.1%), at Richard Cañete (0.1%).
Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa mga residente at rehistradong botante ng Lungsod ng Caloocan. Kasama sa mga sinarbey ang 400 na taga-Unang Distrito, 300 sa Ikalawang Distrito, at 300 sa Ikatlong Distrito. Ang margin of error ng survey ay ±3% para sa buong Caloocan City, ±5% para sa Unang Distrito, at ±6% para sa Ikalawa at Ikatlong Distrito. Ang tanong na ibinigay sa mga sumagot ay: “Kung ang eleksyon ay gaganapin ngayon, sino po ang pinakamalamang ninyong iboboto bilang Mayor ng Lungsod ng Caloocan?”