Nagbigay ng pahayag ang pamahalaan ng Lungsod ng Maynila noong Sabado na pananagutin nila ang dating kumpanya na namahala sa koleksyon ng basura sa lungsod dahil sa hindi pagtupad sa kanilang mga responsibilidad ngayong Kapaskuhan.
Pinuna ni Mayor Honey Lacuna ang Leonel Waste Management Corp. dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin sa gitna ng 400% na pagtaas ng basura sa mga selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
“Rest assured, I will not let this sabotage pass and those responsible will be held accountable,” sabi niya sa isang pahayag.
Para matugunan ang problema, sinabi ni Lacuna na nagsimula nang mag-operate ang mga kumpanyang MetroWaste at PhilEco Systems Corp., na nagtatrabaho 24/7 upang linisin ang mga kalsada ng Maynila mula sa basurang naipon.
“We will address the negligence of the previous garbage collector. Now, we have two contractors, MetroWaste and PhilEco, ensuring that the city is cleaned efficiently,” dagdag pa niya.
Hinihikayat din ng alkalde ang mga residente na i-report ang mga basurang hindi nakolekta sa Department of Public Services o sa Task Force Against Road Obstruction para agad na aksyunan.