Sa pagpapahatid ng kanyang pinakamainit na pagbati ngayong Pasko, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ginagawa ng kanilang administrasyon ang lahat ng posibleng paraan upang matiyak na magiging masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan ng mga QCitizens.
Binigyang-diin ni Belmonte sa kanyang Christmas message na “our loved ones should be at the center of our Christmas celebration.”
Sa gitna ng komersyalismo, ipinahayag ng alkalde na ang pamilya ang dapat manatiling sentro ng selebrasyon ng Pasko ng mga Pilipino.
“Christmas is for the family, no matter how one defines family,” aniya.
Binanggit niya na may tradisyunal na pamilya na binubuo ng mga magulang at anak, at mayroon ding mga pamilya kung saan ang mga lolo’t lola ang nangangalaga sa kanilang mga apo dahil ang mga magulang ay nasa ibang bansa para magtrabaho.
Kinilala rin ni Belmonte na ang konsepto ng pamilya ay nagbabago na. Mayroon ngayong mga pamilyang pinamumunuan ng isang lalaki o isang babae lamang.
Binanggit din niya ang blended o stepfamilies na nabuo dahil sa pagmamahalan ng dalawang magkaibang pamilya.
“Then there are families led by two men or two women. There are families made up of friends,” dagdag niya.
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, tiniyak ni Belmonte sa mga QCitizens na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na handang tumulong sa mga nangangailangan.
“This year, we were able to fix the documents of many pairs of our QCitizens who have been living together without the benefit of marriage,” sabi ng alkalde.
Dagdag pa niya, “We also provided LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex and asexual) couples the right to decide for their partner when one is in need of medical attention.”
Sinabi rin ni Belmonte na tumugon sila sa mga panawagan ng mga magulang na nasa ibang bansa na nangangailangan ng suporta para sa paggabay sa kanilang mga anak na naninirahan sa Quezon City.
“This Christmas season, no matter where we are coming from, may we all find our way back to our family and rekindle the love we have for each other,” ani niya, na binigyang-diin na ang pamilya ang nagiging sandigan at inspirasyon sa pagtugon sa mga hamon ng buhay.