Ang pag-navigate sa mundo ng social media at paggamit nito bilang isang platform sa pag-a-advertise para sa mga kampanya sa politika ay nagiging mas popular. Hindi na rin maikakaila ang pagiging praktikal at episyente ng paghahatid ng mensahe sa mga posibleng botante sa pamamagitan ng kampanya ng ad.
Ang maayos na pamamahala ng mga kampanyang may malawakang political advertisements ay bunga ng wastong pamamahala ng promosyon. Ang maling pangangasiwa ay maaaring magresulta sa mas mababang bisa ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng mga botante at mga political figures.
Higit pa rito, ang isang non-skippable ad campaign ay karaniwang resulta ng isang mahusay na nakaplanong proseso tulad ng pagsulong sa publicity, pagtatatag ng kredibilidad, pagbibigay-interes, at pagdirekta sa mga mambabasa sa iba pang content at komersyal na mga pagpipilian. Kaya naman, itinuturing na epektibong social media strategy ang mga paid Facebook advertisements, na ginagamit din ng maraming organisasyon.
Balikan ang nakaraan: Ayon sa isang pag-aaral na nakabatay sa datos na nakalap hanggang Oktubre 2021, ang mga YouTube channels na konektado o pag-aari ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, na tumatakbo noon bilang pangulo, ay naging mas aktibo sa talakayan noong nakaraang eleksyon ng 2022.
Samakatuwid, ang pagtuklas ng news media—kasama ng mga pulitiko at mga ahensya ng pamahalaan—ay nananatiling pinakapopular at kilalang aktor, kasunod ang mga YouTube channels na itinuturing bilang “news and politics.”
Samantala, ang TikTok ay nililimitahan ang paggamit ng political content sa mga advertisement sa anumang paraan, kabilang na ang mga mula sa political groups at non-political advertisers na may layuning ipahayag ang kanilang mga opinyong politikal.
Bukod pa rito, pinapayagan ang mga TikTok users na magbahagi ng political content nang kusang-loob basta’t sumusunod ito sa Community Guidelines—subalit hindi pinahihintulutan ng TikTok ang political content sa kanilang mga advertisement.
Sa kabila ng mga limitasyon ng platform, sa ilang lawak, hindi nito direktang pinipigilan ang pagpapalaganap ng impormasyon. Ang mga limitasyon ay umiiral lamang sa algorithm ng platform, at ang bawat isa ay may kani-kaniyang uri ng promosyon na iniaalok sa mga manonood.
Isinulat ni: Pauline Anacay